Bunny Beeps: Salita, Part 1

Lalaki

Tandaan

Na ang iyong mga salita ay hindi gapos

Na magbibigay takot sa iyong minamahal

Ito ay ang daluyong

Na magbibigay ng ngiti

At magbubukas ng pinto

Ng bawat umaga

Hindi ito rehas ng mga pangako

Ito ay ang susi sa paglaya

Ng mga kalungkutan mong pinakakatago tago

Na ihahain mo sa iyong minamahal

At lalaki, huwag kang matatakot

dahil ito’y buong pusong tatanggapin

Nang walang kasamang paglimot

Sa bawat luha at paghihirap mo.

 

Lalaki.

Huwag matakot na tangayin ng alon ang iyong iniingatang mga salita

Kasama ang bangkang papel na ginawa mo noong ika’y lima

Noong kahit hindi ka pa ganoon katatas magsalita

Alam mo, ramdam mo

Na hindi magtatagal

Ang hangin ay susunod sa yabag ng puso mo

At ihahatid nito

Ang iyong lantsa tungo sa dalampasigan ng ligaya ng iyong minamahal, oo

 

Alam mo

Na ang iyong mga salita

Ay hindi parang kalapating pinakain at inalagaan

Na kapag iyong binitawan

Isang palakpak lang

At ikaw ay babalikan

Ito ay magpaparami at mananahan

Sa kaloob looban ng puso at isipan ng iyong minamahal

 

Ito ay hindi isang mainit na palad

Na sasampal

Sa mamula mulang mukha

Ng iyong minamahal

Ang lihim ay lalatay tulad ng tinik ng latigo

Sa malalambot na pisngi

Nagsama samang luha, at pighati, sakit, hindi

 

Hindi ito mabubutong kamao

Na magpapatigil sa pagdaloy ng dugo

Sa mukha, paa, binti, sikmura

Na pupunit sa bawat linyang nagbibigay ng buhay at pulso

Na magpapalimot sa bawat iningatang alaala at gunita

Mukha, paa, binti, sikmura, ang iyong minamahal, lalaki

 

Tandaan

Ang iyong mga salita ay parang masalimuot at matamis na kanta

Na isinigaw mo sa kuweba

At ibabalik sa’yo ng iyong minamahal

Pinaghalo halong pagnanais, hiling at pangamba

 

Ang iyong mga salita

Ay parang lamig na dala ng amihan

Hinihintay at hihimlay

Sa bawat gabi ng pagtulog ng puso at isipan ng iyong mahal

Babalik balikan upang sipatin at hawakan

Dahil ang iyong mga salita

Ay hindi lamang naririnig ng iyong mahal

Ito ay naaamoy, natitikman, nahahawakan, nakikita

Na para bang init na dala

Ng paborito mong kape sa umaga

Sa iyong katawan

Hinihintay at hihimlay

Sa bawat umaga ng paggising ng puso at isipan ng iyong mahal

 

Sa huli

Tandaan

Na ang iyong mga salita

Ay kasing lakas at tatag lamang ng iyong mga gawa

Na gabi gabi mong binubuo

Sa saliw ng mga ambisyon

At pangarap mong isinilid sa kahon

Na parang alkansya mo ng tagumpay

At huwag kang mag-alala

Dahil lahat ng iya’y magiging tunay

Isabay mo sa kumpas ng kamay

At daliri ng pagmamahal

Ng iyong minamahal

Handa

At kasama mong lumikha

Lumilikha

At lilikha

Sa bawat letra ng iyong mga salita.

Lalaki.

.

.

.

.

.

 

.

Yoohoooooo ❤ ,

bembunnylogo

Bembunny

.

Tell me what you think:

FB: Bem Adem

Instagram: @bemadem

Twitter: @bembunny

.

Didn’t like my post?

Eh, okay. Click here.

.

P.S.: Para kay Mam Gaying (Ligaya Tiamson-Rubin, guro ng Filipino mula sa UPD CAL), salamat dahil naalala ko pa din po ang inyong mga itinuro kahit minsan ko lamang po kayo naging guro. Patawad po, hindi talaga ako nagbilang. 🙂

.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s